Batuhan ng putik ng mga pulitiko, ipinatitigil ng PPCRV

Nanawagan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga kandidato na iwasan ang ‘batuhan ng putik’ lalo’t nalalapit na ang halalan sa 2016.

Sinabi ni Henrietta De Villa, chairperson ng PPCRV na dahil sa patuloy na pagpapasaring at sisihan ay hindi na nabibigyan ng impormasyon ang publiko na malaman ang kanilang plataporma at mga programa sakali mang mahalal sa susunod na eleksyon.

“Dapat iangat ng mga pulitiko ang uri ng kanilang pangangampanya, hindi puro batikos, puro siraan. Nakakalimutan tuloy ang mga programang ihahain,” ayon kay De Villa.

Samantala, muli namang isusulong ng PPCRV ang pagkakaroon ng candidates hour sa Commision on Elections (Comelec) upang bigyan ng patas na panahon ang mga national candidate na ipakilala ang kanilang sarili.

Ayon kay de Villa, hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang ilang mga kandidato dahil sa kawalan ng pondo para magpagpa-adverstise sa telebisyon at mga radyo.

Sa mungkahi ng PPCRV, ang Comelec ang makikipag-usap sa bawat network para magkaroon ng libreng exposure o talakayan ang lahat ng mga kandidato para makilala ng publiko at makapili ng tamang iboboto.

Base sa non-commissioned survey ng Publicus Asia na isinagawa noong Marso ng kasalukuyang taon, 69 % ng mga Filipino ay naiimpluwensyan ang kanilang boto sa araw ng halalan sa pamamagitan ng political advertisement.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Show Buttons
Hide Buttons