Ricky Reyes salon branches, iimbestigahan ng DOLE

Bubusisiin na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang salon branches ng celebrity hairdresser na si Ricky Reyes.

Ito’y bilang tugon sa panawagan ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) matapos magreklamo ang isang dating empleyado ni Reyes ng umano’y illegal dismissal.

Ayon kay Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz, inatasan na niya si DOLE-National Capital Region Director Alex Avila na siyasatin ang mga branch ng Reyes Hair Cutter International Incorporated.

Sinabi ni TUCP spokesperson Alan Tanjusay, sinibak sa trabaho si Rene Nocos, 47, dahil lamang sa pagkakaroon ng humanimmunodeficiency virus (HIV).

Batay pa raw sa reklamo ni Nocos, ‘underpaid’ daw siya at hindi nakatatanggap ng 13th month pay at iba pang social welfare benefits sa kabila ng kanyang paglilingkod sa salon ni Reyes sa loob ng 10 taon..

Makalipas matanggal sa trabaho noong ng Pebrero, agad kinasuhan ni Nocos si Reyes ng multiple labor violations sa National Labor Relations Commission.

Ayon kay Tanjusay, bukod kay Nocos ay may iba pang nagrereklamong salon employees laban kay Reyes.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Show Buttons
Hide Buttons