SECURITY PERSONNEL NG MANILA CITY HALL, DINAMPOT NG NBI

city-hall

DINAKIP ng NBI ang isang miyembro ng city security force na si Sonny Balan Suyat na nahulihan ng baril malapit sa UST kung saan ginaganap ang bar examination.

Ayon ka NBI director dante gierran, alas nueve y medya kahapon nagpagpapatrol ang kaniyang mga tauhan nang mamataan si Suyat sa Rosarito Street sa Sampaloc Maynila kasama ang ilang miyembro ng Aquila Legis Fraternity

 

 Nilapitan aniya si Suyat ng NBI dahil sa kahina-hinalang umbok sa baywang nito at Nang kapkapan, natuklasa ang sukbit na caliber 9millimeter pistol Nagpakilala aniya si Suyat na tauhan ng Manila City Security Force at nagpakita ng mga dokumentong nagpapatunay na pag-aari ng City Hall ang naturang baril at ito ay inisyu sa kaniya.

 Gayunman, walang permit to carry firearm outside of residence si Suyat o anomang dokumentong nagsasaad na maaari niyang bitbitin ang baril kahit siya ay nakasiblyan. Nabatid na sa Mehan Garden sa Ermita siya nakatalaga at hindi sa UST.

 Hindi niya rin maipaliwanag kung bakit siya kasama sa umpukan ng Aquila Legis Fraternity Inirekomenda na ng NBI sa manila city prosecutor’s office ang paghahain ng kasong paglabag sa comprehensive firearms and ammunition regulation act, anti graft and corrupt practices act at code of conduct and ethical standards for public official and employees laban kay Suyat .

Show Buttons
Hide Buttons