APELA NG ISANG TULAK NG BAWAL NA DROGA, IBINASURA NG CA

adik

PINAGTIBAY ng Court of Appeals (CA) ang sentensiyang iginawag ng mababang korte labvan sa isang akusado sa kaso ng bawal na droga sa La union.

 

Sa 20-pahinang desisyon na sinulat ni Associate Justice Magdangal de Leon at pinaburan nina Associate Justices Elihu Ybañez at  Nina Antonio-Valenzuela,  dinismis g CA  Special 7th  Division ang apela ng akusadong si Edgardo Garcia Ancheta, sa halip ay kinatigan  ang hatol noong May 5, 2015  ng  Regional Trial Court (RTC), Branch 29, San Fernando City, La Union,  sa kasong paglabag sa  Section 5, Article 2  ng  Republic Act. No. 9165, o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa akusado.

 

Noong July 2013, umaktong poseur buyer ng bawal na droga si  PO3 Elvis Yaris at nakumpiska kay Ancheta ang isang sachet  ng shabu’ at ang P1,000 na ginamit na  marked money.

 

Napatunayan ng korte ang kaso laban sa akusado na nagpataw sa kanya ng life imprisonment at multang kalahating milyong piso.

 

Inapela ng akusado ang hatol ngunit  nabigo siya sa lower court kaya dumulog sa CA.

 

Sa kanilang ruling noong Sept.30, 2016, sinabi ng appellate court  na hindi nagkamali ang mababang hukuman nang gawaran ng parusa si Ancheta.

 

 

Show Buttons
Hide Buttons