Tirada Balita TV > Business > RIVER FERRY SYSTEM BUBUHAYIN NG DOT
RIVER FERRY SYSTEM BUBUHAYIN NG DOT
PINAG-AARALAN NG DEPARTMENT OF TRANSPORTATION NA BUHAYIN ANG PASIG RIVER FERRY BILANG KARAGDAGANG URI NG MASS TRANSPORT BILANG ISA SA MGA SOLUSYON SA MALALANG SULIRANINA SA TRAPIKO SA METRO MANILA.
Sinabi ito ni Ms. Cheri Mercado, ang tagapagsalita ni Transportation Secretary Arthur Tugade, sa lingguhang Kapihan sa Manila Bay Forum sa Lungsod ng Maynila.
Ayon kay Mercado, malaki ang maitutulong river ferry sa pagbawas ng mga pasaherong bumibiyahe patungong Maynila mula sa kalapit na mga bayan para pumasok sa kani-kanilang trabaho o magsagawa ng transaksyon pangalakal o personal.
Ipinaliwanag din ng spokeswoman na disidido ang pamunuan ng kagawaran na mapaganda ang serbisyo ng transportasyon sa buong bansa sa kabila ng mga alegasyon na mayroon umanong ‘vested interest’ ang ilang opisyal nito.
Kasabay nito ay sinabi ni Mercado na tanggap nila ang anumang kritisismo kung ang layunin ay sitahin at iwasto ang inaakalang kamalian sa pinapatupad na mga polisiya at sistema ng kagawaran.
Ngunit kung layunin aniya ng mga kritiko ay mapatalsik si Tugade sa puwesto, makabubuti pang tumigil na ang kanyang mga kitiko lalo na at malaking kawalan sa ahensiya si Tugade sakaling mapatalsik.
Samantala, hindi kukunsintihin ng Department of Transportation (DOTr) ang sinumang mapatutunayang gumagawa ng katiwalian sa kanilang hanay.
Tugon ito ng pamunuan ng ahensiya sa pagsuspinde ng Ombudsman sa 25 matataas na opisyal ng Philippine Coast Guard sa kasong grave misconduct, serious dishonesty at conduct prejudicial to the best interest of the service.
Sa naturang forum, sinabi ni Cheri Mercado, tagapagsalita ng DOTr, na hindi uupuan ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang mga katulad na problema at hahayaan na lamang na manatili sa posisyon ang sinuman sa kanilang ahensya na gumagawa ng katiwalian.
Sinabi ni Mercado na mayroon na mahigit 100 na tauhan na ng DOTr ang nasibak sa puwestodahil napatunayan sangkot sa maanumalyang gawain.
Sa sandal aniyang mapatunayang totoong gumawa ng katiwalian ang mga opisyal na ito, hindi rin magdadalawang isip ang kalihim na sibakin sila sa pwesto.
Matatandaang nito lamang Miyerkules, pinatawan ng anim na buwang preventive suspension ang 25 na opisyal ng Philippine Coast Guard kaugnay sa di umano’y maanomalyang paggamit ng pondong aabot sa P67.5 milyon noong 2015.
Kabilang sa mga sinuspinde ay sina Vice-Admiral Rodolfo Isorena, Rear Admiral William Melad, Rear Admiral Cecil Chen, Commodores Enrico Efren Evangelista, Jr. at Aaron Reconquista; Commanders John Esplana, William Arquero, Jude Thaddeus Besinga, Roben De Guzman, Angel Lobaton IV,
Ferdinand Panganiban, Joselito Quintas, Ivan Roldan, Rommel Supangan, George Ursabia, Jr.,
Ferdinand Velasco, Wilfred Burgos at Allen Dalangin.
Suspendido rin sina Captains Joeven Fabul, Angelito Gil, Ramon Lopez, Christopher Villacorte,
Lt. Junior Grade Mark Franklin Lim II, Lt. Mark Larsen Mariano at ang accounting chief na si Rogelio Caguioa.()