Ilocos Norte dismayado sa mga kandidata ng Miss Universe

maxresdefault

PAGUDPUD, ILOCOS NORTE – Dismayado ang karamihan sa residente ng Pagudpud sa nasabing lalawigan dahil hindi pumunta ang mga kandidata ng Miss Universe na nakatakda umanong puntahan ng mga beauty contestants para sa kanilang tourist spot visitation.

 

Ito ang kinumpirma ni Pagudpud Mayor Marlon Sales na hindi umano pumunta ang pamunuan ng Miss Universe kasama ang mga kandidata para bisitahin ang nasabing bayan.

 

Ganun pa man, sinabi ni Sales na huwag ng magdamdam ang mga residente dahil kilala naman na ang bayan ng Pagudpud sa buong munda dahil sa kagandahang tanawin ito lalo na ang mga dagat nito.

 

Nauna ng nai-ulat ang ilang kandidata ng Miss Universe ay nagtungo na sa Hannah’s Beach Resort ng Pagudpud matapos magtungo sa bayan ng Vigan City ngunit hindi natuloy ang kanilang event sa Pagudpud.

 

Ngunit sabi ni Sales na wala umano sa plano na bisitahin ang Pagudpud ng mga beauty contestants at hindi ito naipaalam sa mga lokal na taong bayan.

 

Gayunpaman, maligaya umano si Sales dahil ang bayan ng Pagudpu ay isa sa mga tourist spots sa bansa na dinadagsa ng mga dayuhan.  ALLAN BERGONIA

Show Buttons
Hide Buttons