BARANGAY CHAIRMAN SA OPLAN TOKHANG SA KANYANG NASASAKUPAN, PINAGBABARIL

download
PINAGBABARIL NANG hindi nakilalang salarin ang  punong barangay  habang abala sa pangangasiwa sa nagaganap na pagdiriwang ng pista sa kanilang lugar sa Tondo, Manila kahapon,  Linggo.
 
Gayunman, pinalad  si Chairman William Ypon, alyas ‘Chengay,’ barangay chairman  ng Barangay 101, Tondo, Manila at residente ng Building 26, Unit 305, Barangay 101, Katuparan, Vitas, Tondo na sa pigi lamang  tinamaan at ngayon ay nasa ligtas ng kalagayan sa Tondo Medical Center.
 
Sa report ni Police Supt. Robert Domingo, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 1 (Raxabago), alas-4:30 ng hapon kahapon, naganap ang insidente sa pagitan ng Building 26 at 27 sa Vitas.
 
Nabatid na abalang-abala si Chairman Ypon sa pangangasiwa sa mga aktibidad sa kasayan sa pista ng kanilang patron, habang nakikipag-inuman, nang makarinig na lang ang mga residente ng mga putok, na inakalang  galling sa firecrackers.
 
Nagulat na lang umano si Barangay Treasurer Armando Valles nang makitang may dugo nang umaagos mula sa hita ng biktima, na noon ay katabi niya, kaya’t kaagad  na  isinugod sa pagamutan upang malunasan.
 
Kumbinsido si Chairman Ypon at ang mga pulis na  maaaring ang constituent niya na nagtanim ng galit sa kanya ang nasa likod ng bigong pagpatay sa  biktima.
 
 
Una rito ay inirekomenda ni Chairman Ypon sa mga awtoridad ang pagsasagawa ng Oplan Tokhang sa kanyang nasasakupan, bukod pa sa mga indibidwal, na sangkot sa illegal drug activities, na kanyang kinumpronta at hinikayat na magbago na at sumuko sa pulisya.()
Show Buttons
Hide Buttons