Kustodiya ng mga saksi sa Kian Slay ililipat nasa PAO-Sen.Hontiveros

Nakatakdang ilipat ang kustodiya ng mga testigo ni Sen.Risa Hontiveros sa pagpaslang sa 17 anyos nasi Kian Delos Santos sa Public Attorney”s Office (PAO).

Sa ginanap na presscon kasama si Caloocan Bishop Ambo David ni Sen.Risa Hontiveros sinabi nito na hindi umano ito tungkol sa pulitika at ang pinakamahalaga raw ngayon ay maprotektahan ang mga testigo.

Nagpasalamat naman si Bishop David sa pagtulong ng ilang ahensiya ng pamahalaan sa kaso ni Kian.

Pinuri din ni Bishop David ang pagkakapareho ng resulta ng eksaminasyon at mga salaysay ng mga testigo na hindi nanlaban ang menor de edad na biktima.

Umaasa naman si SenRisa Hontiveros na magiging patas at kumpleto ang pagdinig bukas ni Public Order Chaiman Sen.Panfilo Lacson sa dalawang isinumiting resolusyon sa kanya.

Matatandaan na inako ng tanggapan ng Senadora ang kustodiya ng mga testigo at ng mga pamilya para na rin sa kaligtasan ng mga banta sa kanilang buhay.

 

 

 

 

Show Buttons
Hide Buttons