Barangay at SK Election lusot sa 2nd reading sa Congress

Nakalusot nasa Ikalawang pagbasa sa Kongreso ang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan(SK)sa darating na Oktubre ngayong taon.

Ito ang naging pagtitiyak ni House Committee On Suffage and Electoral Reforms Chairman Sherwin Tugna.

Inaasahan din na agad na maaprubahan ang House Bill 6308 sa ikatlo at huling pagbasa sa darating na Lunes September 11,2017.

Sa panukala sa House Bill 6308 ay ipinagpaliban ngayong Oktubre ang Barangay Eleksiyon at SK polls ay nakatakdang isagawa na lamang sa buwan ng Mayo taong 2018.

Plano rin na isabay sa Mayo 2018 ang Barangay at SK Election sa Plebisito ng Bangsamoro Basic Law at ng Charter Change.

Show Buttons
Hide Buttons