CSC Employee patay sa ligaw na bala sa Marawi City

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang isang empleyado ng Civil Service Commission (CSC)makaraang tamaan ito ng ligaw na bala sa labas ng Mindanao State Univerity (MSU)sa  Barangay Cadayunon,Marawi City.

Sa pahayag ni Col.Romeo Brawner ng Task Force Deputy Chief sa Marawi City ang insidente ay naganap dakong alas-9;00 ng umaga.

Ang empleyado na nasawi ay nakilala nasi Marvin Ablado Deputy Director ng CSC-ARMM habang ang kasama nitong si Zandra Arnica Uzman ay sugatan at nadaplisan ng bala sa ulo.

Naganap ang insidente habang nasa loob ng sasakyan ang nasawing si Marvin at si Zandra nang baba na sila sa harap ng MSU.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung anong uri ng bala at kalibre ng armas ang ginamit sa dalawa.

Ayon kay Brawner, hindi pa matukoy ng kanilang hanay kung anong uri ng bala ang tumama sa dalawa.

Show Buttons
Hide Buttons