JULIA MONTES, MAGSE- SAY GOODBYE SHOWBIZ NA LANG KAYSA LUMIPAT

 GULANTANG naman ang kamponi Julia Montes ng may makarating na mag o ober da bakoid na ito sa kalabang himpilan ng kanyang home network.
        Buti pa nga raw sila eh alam na lilipat na ito ng network na mismo siya na may katawan eh walang knowing kaya naman nagugulat lang itong si Julia sa mga nagkalat na tsika.
        Wala naman maisip na dahilan itong si Julia kung bakit nga ba siya lilipat ng himpilan at sa matinding kalaban pa ng kanyang network kaya naman nakakapagtaka ang mga nagkalat na balita.
         Maganda naman daw ang trato dito kay Julia ng management kaya wala naman itong maisip para lumipat ng channel at marami nga raw itong naka line up na mga project.
        Kaya naman paglilinaw lang eh wala daw itong planong lumipat at never siyang mag o ober da bakod at wala daw dahilan para gawin niya ang paglipat.
        Kaysa nga naman daw lumipat ito eh ‘yung sinasabi nitong magbabu na or say goodbye na sa showbiz eh gagawin na nga lang daw nitong si Julia kaysa lumipat at ipagpalit ang network or pangalawa na nitong bahay na nagbigay sa kanya ng big break.
        Parang Kris Bernal lang daw ‘yan na napagdudahan na lilipat din pero ayun nasa Kapuso pa din itong mahusay na aktres…Jovi Lloza
Show Buttons
Hide Buttons