82 anyos na Lolo huli sa matagal na pagtatago sa kasong panghahalay

 

Isang 82 anyos na lolo ang naaresto ng mga awtoridad makaraang magtago  ng mahigit 18 taon sa kasong  panghahalay ng 10 taong gulang sa Camalig,Albay.
Kinilala ang suspek nasi Adriano Lllantero 82 anyos residente ng Barangay Ilawod sa nasabing bayan.
Sa isinagawang imbestigasyon  ng Municipal Camalig Police Station nangyari ang ginawang panghahalay ng suspek noong taong 1998 at mula noon ay nagtago na ito kung kaya nilabasan siya ng warrant of arrest na walang kaukulang piyansa noong 1999.
Nakakuha ng impormasiyon ang pulisya na ang suspek ay muling bumalik sa kanyang dating tinitirhan na nagresulta ng pagkakadakip nito.
Sa ngayon ang suspek ay nakatine sa Camalig Municipal Jail  habang inaantay ang paghlilitis  sa kanya ng korte.

 

 

 

 

Show Buttons
Hide Buttons