“ODETTE” Patuloy na lumalakas nasa SIGNAL NO.1

Patuloy  na unti-unting lumalakas ang tropical depression “ODETTE” habang tinatahak nito ang hilagang bahagi ng Bansa.

Sa inilabas na pinakahuling weather bulletin na natanggap namin ang sentro ni “ODETTE” sa may 730 KM Silangan ng Tuguegarao City,Cagayan.

Taglay nitong lakas ng hangin na 55 Khp malapit sa gitna at may pabugo-bugsong hangin na umaabot sa 65 Kph.

Nakataas ang tropical cyclone warning signal number 1 sa Cagayan kabilang na ang Babuyan group of Islands, Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province at Ifugao.

Sa mga susunod na oras ay maaring mapasama ang Ilocos Region sa Typhoon Signal.

 

 

Show Buttons
Hide Buttons