Construction Worker nahuling nagnakaw ng Panty sa Boracay kalaboso nabitin sa GRO

Hindi na nakapalag pa ang isang construction worker na nahuli sa akto na nagnanakaw ng panty sa loob ng isang boarding house sa Brgy.Manoc-manoc sa isang Isla ng Boracay ng mabitin ito sa katable na Guest Relation Officer (GRO) sa Kalibo,Aklan.

Ang suspek ay nakilala nasi Ferdinand Unaria 32,anyos na  naninirahan sa Cebu City at kasalukuyang nagtatrabaho bilang construction worker sa isang site sa nabanggit na lugar.

Sa report ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC)na nakuhanan ng tatlong panty ang suspek kung kayat ito ay agad na naaresto.

Batay sa salaysay ng naghreklamong si Jovannie Espanola 23 anyos,isang Security Guard na bandang-11;00 ng gabi ay napansin niya  suspek  sa madilim na bahagi  ng kanilang boarding house.

Dahil sa madilim na bahagi ng Boarding House ay nilapitan niya si Unaria na aktong ninanakaw ang panty ng kanyang Misis sa sampayan.

Agad siyang humingi ng tulong sa mga pulis kung kayat naaresto ang suspek.

Sa kasalukuyan  si Unaria ay nakapiit nasa himpilan ng pulisya para harapin ang kasong isinampa laban sa kanya.

 

 

 

Show Buttons
Hide Buttons