Tirada Balita TV > Local News > Pakirkiramay,Pakikidalamhati at Pagkondena ang pagpaslang kay Mayor Halili-PALASYO
Pakirkiramay,Pakikidalamhati at Pagkondena ang pagpaslang kay Mayor Halili-PALASYO
Kinondena ng Palasyo ng Malakanyang ang pagpaslang kay Tanauan,Batangas Mayor Antonio Halili na binaril habang ito ay dumadalo sa Flag Raising kaninang umaga.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque naging kakampi rin ng Gobyerno si Mayor Halili laban sa pagsugpo ng Illegal na Droga ni Pangulong Duterte.
Dagdag pa ni Roque maraming nagawa si Mayor halili sa pagiging maunlad ng Tanauan,Batangas kung saan ito ang punong bayan..
Ipinaabot ng Palasyo ng Malakanyang ang pakikiramay at pakikidalamhati sa mga naulilang mahal sa buhay ng Mayor.
Sa usapin naman ani ni Roque sa pagkakasangkot umano ni Mayor Halili sa illgal na droga sa nakalipas na taon ay mayroon naman tamang panahon para maimbestigahan ito.
Sa ngayon, mas mainam aniya na makidalamhati muna at makiramay.