DILG-PNP,MILITARY POLICE Nakahanda nasa Pag-aresto kay Sen.Trillanes

Nakiapag-usap na ang Dept.Of Interior and Local Government(DILG) sa tanggapan ng Dept.Of Justice (DOJ)kaugnay sa pagwawalang bisa  na ipinagkaloob na amnestiya kay Senator Antonio Trillanes IV noong nakaraang administrasyon.

Sa panayam sa tagapagsalita ng DILG Jonathan Malaya nakuha na umano ng issuance of an Alias Warrant sa Makati Regional Trial Court ang Dept.Of Justice(DOJ).

Sa kasalukuyan ay nakahanda na umano ang PhilNational Police (PNP) na isilbi ang warrant of arrest.

Sinabi naman ni PNP spokesperson S/Supt. Benigno Durana hinihintay na lamang nila na maglabas ng kautusan ang korte.

Sianbi ng mga opisyal na trabaho lang nilang ipatupad ang nauukol na batas kapag nasa kamay na nila ang warrant of arrest laban kay Senator Antonio Trillanes IV.

Nagtiyak din ng kahandaan ang Phil.National Police team na magsilbi ng warrant of arrest sa Senador kasama ang Military Police.

Show Buttons
Hide Buttons