Php 251,600 THOUSAND HALAGA NG SHABU NASAKOTE SA DASMARIÑAS CAVITE

Apat na suspects sa illegal drugs ang nasakote ng sanggay ng Dasmariñas City Police sa lugar ng Barangay Datu Esmael Dasmariñas City Cavite na kung saan nakabili ang nagpanggap na pulis na bilang buyer ng illegal na droga sa isang sa mga suspects. Nakuha sa kanila ang anim na plastic sachet na may laman na shabu na tumitimbang nang 37 GRAMS na may  Estimated Street Value na Php 251,600 pesos, isang pack ng maliit na plastic, digital weighing scale, isang pirasong stainless scissor, isang black small pouch , disposable lighter at isang pirasong five hundred peso bill (Php 500.00) na ginamit bilang buy bust money sa isinagawang buy bust operation. Ang mga suspects ay dinala sa himpilan ng Dasmariñas City PNP para masampahan sila ng kaukulan Criminal Case na Violation of Republic Act 9165 or otherwise known as “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”. Dinala naman sa Provincial Crime Laboratory Field Office ang mga nakalap na ebidensya  para sa gagawing laboratory test.
NAG-UULAT: COBRA SNIPER
Show Buttons
Hide Buttons