2,439 Barangay Sangkot sa Droga

Dahil itinuturing na banta sa pambansang siguridad ang iligal na droga sa bansa ay nakatakdang linisin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang may kabuuang 2,439 mga barangay na apektado ng iligal na droga ngayong taon.

Ayon kay Gil Pabilona, PDEA Regional Director ng Central Luzon na inatasan silang linisin ang 2,439 apektadong mga barangay hanggang 2022 at sisimulan nila sa 827 ngayong 2019 sa Central Luzon. 

Dahil dito ay nakikipag-ugnayan ang PDEA sa Department of the Interior and Local Government upang subaybayan ang pag-andar sa Anti-Drug Abuse Council (ADAC) para siguruhin ang regular na pagpupulong, pagsumite nang drug watchlist reports, pagsasagawa nang programang pang-rehabilitasyon sa pakikipagtulungan ng municipal government at barangay officials sa pagkakaroon ng mga community-based programs.

 

Batay sa tala ng PDEA,  naideklara nang drug-cleared and 119 sa 709 apektadong barangay sa Nueva Ecija, 118 sa 385 sa Pampanga, 116 sa 118 sa Bataan, 43 sa 185 sa Zambales, 110 sa 392 sa Tarlac, 35 sa 507 sa Bulacan, 54 sa 96 sa Aurora, 2 sa 31 sa lungsod ng Angeles at 1 sa 16 sa lungsod ng Olongapo.

Umabot na di sa halos 200,000 personalidad ang ang naaresto sa joint drug bust PDEA at kapulisan mga kagawad ng pulisya sa  Central Luzon nitong nakalipas na taon. 

Dagdag pa nito na kasama din sa babantayan ng PDEA ang mga paliparan, pantalan at mga baybayin dagat. #

 

Show Buttons
Hide Buttons