Metro Manila,Cavite,Rizal Babahain ng supplay ng tubig?

NORZAGARAY, Bulacan, — Tinatayang aabot sa 1.6million litro na supply ng tubig ang papasok ngayon kada araw sa buong Metro Manila, Cavite at lalawigan ng Rizal.

Itoy makaraan matapos at pwede nang magamit ang pang-apat na higanteng transmission  line na may habang 6.4 kilometro na makapagbomba ng 19 cubic meters per second mula sa Reservoir ng Angat Dam papuntang Ipo Reservoir na inilatag mula sa ilalim ng kabundukan ng Sierra Madre.

Ayon kay Susanne Sta Maria, MWSS Head Technical Assistant na ang lagusan ay  padadaliin ng proyektong ito ang paghahatid ng suplay ng tubig mula Angat Dam na siyang nagsusuplay ng 95 porsyento ng tubig sa pangangailangan sa buong kalakhang Maynila, ilang bahagi ng Rizal at Cavite at paghahanda na rin sa kabuuang operasyon ng Bulacan Bulk Water Supply Project.

Ang naturang proyekto ay bahagi ng Angat Water Transmission Improvement Project na inilunsad ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System  (MWSS) noong 2016 na nagkakahalaga nang 123 milyong dolyar na pinahiram nang Asian Development Bank (ADB) sa MWSS para makapagbaon ng pang-apat na tunnel sa ilalim ng bahaging ito ng bulubundukin ng Sierra Madre. 

Sa pagkukumpleto ng proyekto, kaya nitong makapagbomba ng 19 cubic meters per second na tubig na katumbas ng 1.6 milyong litro kada araw. Magiging alternatibong lagusan din ang pang-apat na tunnel kapag isinara ang tatlong lumang tunnel ng Angat Dam upang kumpunihin. 

Ang Maynilad at Manila Water ay pawang mga pribadong konsesyonaryo ng MWSS, sa pamamagitan ng Ipo bilang transmission dam. 

Show Buttons
Hide Buttons