Outboard Motor Center ng PCG, bukas na

BALAGTAS, Bulacan — Magagamit na ngayon ang Outboard Motor Center of Excellence ng Philippine Coast Guard (PCG) upang pagsanayan kaugnay ng iba’t ibang shipyard courses para malakas at palawiging ang kakayahan upang pangalagaan ang mga makabagong kagamitang pambantay sa malawak na mga karagatan ng bansa.

Ayon kay Admiral Elson E. Hermogino, Commandant ng PCG, 39 milyong piso ang ayudang ipinagkaloob ng pamahalaan ng Amerika sa ilalim ng magkasanib na proyekto ng PCG, United States Coast Guard, Joint Interagency Task Force-West, Joint United States Military Assistance Group at ng United States Department, State Bureau of International Narcotics and Law Enforcement Affairs. 

Ang nasabing Outboard Motor Center ay mayroon itong mga silid-aralan, barracks at outboard maintenance laboratory na ipinatayo ng United States Naval Facilities Engineering Command bilang ayuda ng kanilang kasunduan ng sa pagitan ng Pilipinas at Amerika noong 2014 para sa pangmatagalang kooperasyon sa usapin ng seguridad pandagat.

Kaugnay nito, may 40 pang mga fast boats na may habang 33 metro ang binili sa mga lokal na shipbuilders dito sa bansa, 4 na fast boat  na may habang 38 metro na binili sa Amerika sa halagang P120 milyong mula sa nilagdaan sariling pondong P1.32 bilyong ng PCG upang bumili ng bagong 50 fast boats. 

Ito`y may bilis itong 40 knots na kayang makahabol at abutan ang mga terorista at pirata sa dagat,  kabilang din dito ang isang 84-metrong haba na Offshore Patrol Vessel na ipinagawa at binili rin sa France na nakatakdang dumating sa kalagitnaan ng 2019 

 

Samantala, kumpleto nang dumating sa bansa ang 44-metrong haba na 10 bagong Multi-Role Response Vessels (MRRV) na binili sa halagang P8 bilyong mula sa tulong naman nang Official Development Assistance ng Japan.

Apat na 24-metrong haba na Fast Patrol Boats naman ang nabinili sa France ay idinestino sa Bureau of Customs upang makatulong sa pagsugpo sa smuggling at sa mga major tourist destinations habang iprinoproseso na rin ang pagbili ng mas mahabang 94-metrong MRRVs sa Japan na target maideliber sa bansa sa 2022, .#


Show Buttons
Hide Buttons