Dismissal case ng mga Ebidensiya sa kentex fire case Binasura

Ibinasura ng Sandiganbayan 2nd Division ang hiling ni Senior Fire Officer Rolando Avendan ng Valenzuela City Bureau of Fire Protection (BFP) na isantabi ang mga ebidensya laban sa kanya kaugnay sa pagkakasunog at pamatay ng 74 mangagawa makaraan matupok ng apoy ang  Kentex slipper factory sa Barangay Ugong, Valenzuela City  noong 2015.

Nakasaad sa pinalabas at pirmadong resolusyon ni  Associate Justice Michael Frederick Musngi na may petsang March 28. “After a careful review of the records of the case and the evidence of the prosecution, the Court denies the motion of accused Avendan.  Accused Avendan failed to show that the prosecution’s evidence was insufficient to establish a prima facie case against him,”

Iginiit din ng anti-graft court na sapat ang documentary evidences para suportahan ang salaysay ng tatlong testigo laban sa kanya upang magpatuloy ang kaso laban sa kanya.

Kabilang si Avendan sa pitong kinasuhan ng reckless imprudence resultin in multiple homicide at multiple injuries matapos umanong payagan ang factory na makapag-operate kahit kulang sa safety features bago masaunog.

Bukod kay Avendan nahaharap din sa kaso ang iba pang opisyal mula na sina Valenzuela City  Mayor Rex Gatchalian, city hall employees Business Permits and Licensing Office (BPLO) head-Renchi May Padayao, Licensing Officer IV- Eduardo Yco Carreon. Valenzuela City Fire Marshall Bureau of Fire Protection Mel Jose Lagan, fire senior inspector-Edgrover Oculam at King Guan, also known as Terence King Ong, general manager at treasurer Kentex Manufacturing Corp.

Matatandang inasunto ang mga ito ng reckless imprudence resulting in multiple homicides and multiple injuries at two counts of graft sa pagkakasunod ng Kentex slipper factory noong may 13, 2015 na ikinasawi ng 74 nitong manggagawa at pagkakasulat ng iba pa.

Show Buttons
Hide Buttons