One week ride sa LRT, libre muna!

Magbibigay ngayon ng isang linggong libreng sakay pamunuan ng Light Rail Station 2 sa mga lahat ng mga Filipino veterans kasabay ng pagdiriwang ng Philippine Veterans Week at Araw ng Kagitingan sa April 9.

Ayon kay Atty. Hernando Cabrera,  taga pasalita at board Secretary ng Light Rail Transit Authority , mula April 5, araw ng Biyernes hanggang April 11, Huwebes ay libreng makaka-biyahe ang mga ito mula Recto station sa Maynila hanggang Santolan station sa Marikina.

Kailangan lang umanong mag-present ng valid ID mula sa Philippines Veterans Affairs Office at libre ring makakasakay ang isang kasama ng mga veterano na bibiyahe sa tren.#FRANCIS SORIANO

 

Show Buttons
Hide Buttons