50,000 Telco Towers Itatayo-DICT

Tinatayang 50,000 towers ang kailangang maitayo sa susunod na mga taon para maabot ang demand na kinakailangan ng telco industry kaugnay ng inaabangang operasyon ng Mislatel Consortium bilang provisional third major telecommunications player ng bansa.

Ayon kay Acting Sectetary Eliseo Rio Jr., ng Department of Information and Communications Technology (DICT)  nakatakda pulungin nito sa Biyernes ang Mislatel, PLDT at Globe para sa paglalatag sa mga lokasyon kung saan itatayo ang common communication towers ng mga ito.

Samantala,  nauna ng lumagda nang kasunduan sa kagawaran ang 19 na common tower provider hinggil sa pagtalima sa polisiyang itinakda ng DICT na iisang communication tower na lang ang panggagalingan ng signal ng tatlong kompanya.

Show Buttons
Hide Buttons