PH Army site na hack, patuloy ang imbestigasyon!

Patuloy paring ang ginagawang imbestigasyon ng Department of Information and Communications Technology (DICT)  at National Privacy Commission (NPC) makaraan mahack ang website ng Philippine Army’s school.

Ayon kay DICT Acting Sec. Eliseo Rio Jr., sinimulan na ng kanilang cybersecurity bureau ang pagsisiyasat sa nangyaring sinasabing data breach ng old files ng eskwelahan habang isinasalin ang mga ito sa bago nilang website nitong Enero.

Kabilang sa mga datos na pinaniniwalaang nakalkal ng hackers ay ang listahan ng kanilang Scout Ranger Force mula 1950 hanggang 2014.

Samantala, nauna ng nagpahayag ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Army spokesperson Lt. Col. Ramon Zagala na hindi maituturing na hacking ang nangyari sa kanilang website.

Pero nanindigan at kumpinsido ang DICT at NPC na hack ang naturang website dahil nawala ang mga personal na impormasyon.

Lumabas din sa isang online post ng hacking group na Pinoy LulzSec tila nagpahiwatig ang grupo na napasok nila ang database ng militar.

Show Buttons
Hide Buttons