PH, China nagkasundo sa teritoryo!

Binasag na ang katahimikan ng Pilipinas at China matapos ang dalawang araw na Bilateral Consultation Mechanism (BCM) na plantsahin sa diplomatikong paraan ang issue ng territorial dispute sa West Philippine Sea (WPP).

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Seceretary Teodoro Locsin Jr., maayos na nagpalitan ng opinyon at diskusyon ang kapwa delegado ng mga estado para maiwasan ang banta ng paggamit ng pwersa laban sa isat-isa sa naganap na pagpupulong kamakailan.

Dito ay inilatag at pinag usapan ng bawat panig ang mga kani-kanilang concern matapos lumutang na problema kamakailan sa West Philippine Sea sa patuloy na pagdami ng Chinese vessels, gayundin ang pagpapaalis nito sa mga Pilipinong mangingisda na naglalayag sa naturang bahagi ng pinag aagawan teritoryo.

Sa huli nagkasundo ang mga opisyal na magkaroon pa ng pag-uusap at konsultasyon bilang tugon sa nilalaman ng international laws na kanilang susundin para manatili at pagpapasigla ang regional peace, stability, freedom of navigation sa pinag aagawan South China Sea upang hindi magresulta sa marahas na paggamit ng pwersa.

Show Buttons
Hide Buttons