Bakanteng trabaho sa gobyerno lumobo sa 200,000.

Lalo pang lumobo ang mga bakanteng pwesto at trabaho sa pamahalaan na kinabibilangan ng mga Department of Education, Department of Finance at Department of Health.
 
Dahil dito ay isinisi ng Civil Service Commission (CSC) ang mataas na standard na ipinapatupad ng ilang ahensiya ng gobyerno kaya nagkakaroon ng maraming bakanteng trabaho.
 

Ayon kay CSC chairperson Alicia Dela Rosa-Bala, panahon na para magbalik tanaw o kailangan ng ribisahin ang minimum standard qualifications sa mga aplikante para mapunan ang mga bakanteng posisyon.

Dagdag pa nito na meron inilagay na standard ang komisyon para sa mga aplikante pero binabago ito ng mga ahensiya kaya hirap silang makakuha ng mga bagong empleyado.

Base kasi sa talaan ng Department of Budget Management (DBM) mayroong 204, 275 ang bakanteng posisyon sa gobyerno.# FRANCIS SORIANO

Show Buttons
Hide Buttons