Full Alert Status ngayon Holy Week-PNP

Mula sa kasalukuyang heightened alert status ay kasado na ang full alert status National Capital Region Police Office (NCRPO) sa deployment ng mga pulis sa Metro Manila sa paparating na Holy Week.

Ayon kay NCRPO chief Police Major General Guillermo Eleazar, mahigit 11, 000 kapulisan ang inaasahang ipapakalat sa iba’t ibang transport terminals gaya bus terminals, train stations, airports, seaports maging sa LRT at MRT stations sa Metro Manila kasabay ng Semana Santa.

Bunsod ito sa inaasahan ang pagbuhos ng mga tao sa naturang mga transport terminals para sa mga uuwi sa iba’t ibang probinsya sa mahal na araw na magsisimula na sa linggo ng palaspas sa April 14 at matatapos sa April 21.

Dagdag ni Eleazar na kanselado ang lahat ng leave of absence ng mga pulis.

Show Buttons
Hide Buttons