Tallest bamboo sa Pangasinan, pasok sa Guinness Book

DAGUPAN CITY – Pasok na sa Guinness Book of World Record ang Highest at tallest bamboo structure matapos nitong masungkit ang titulo kaasabay ng pagdiriwang nang ika-400 taon sa St. Vincent Ferrer Parish at ang ika-600 taong death anniversary ni St. Vincent Ferrer noong biyernes sa Brgy Bani,  Bayambang.

Ayon sa official Adjudicator ng Guiness na si Swapnil Dangarikar, nasungkit ng estatwang kawayan ni St. Vincent Ferrer bilang pinakamataas na bamboo structure na may sukat na 50.23 meters na gawa sa engineered kawayan at steel frame ang istraktura na mayroong kabuuang budget na P250 million na binuksan lamang sa publiko noong Friday.

Dagdag pa nito na tinalo ng istatwa ni St. Vincent Ferrer ang Statue of Liberty ng New York na may sukat lamang na 30 meters at Christ the Redeemer sa Brazil na tinatayang nasa 38 meters lang.

Matatandaan na taong 2014 na sungkit na rin ang unang titulong sa longest barbecue na may sukat na 8,000 m o katumbas ng 20,246 ft. Nalampasan nito ang 6.2-kilometro na gawa ng bansang Turkey.

Show Buttons
Hide Buttons