5 US senators sinupalpal ng Malacañang

Inalmahan at agad sinupalpal ng Palasyo ang limang  US Senators matapos makisasaw sa isyu ng hudikatura at manawagan na palayain ang nakabilangong si Senator Leila de Lima at ibasura ang mga kasong isinampa laban sa Rappler at sa Chief Executive Officer nitong si Maria Ressa.

Ayon sa pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang resolusyon ng mga senador ay isang lantarang pangingialam sa ligal na proseso ng mga korte sa Pilipinas at walang opisyal ng ibang bansa ang may karapatang magdikta sa kung papaano dapat nireresolba ng korte ang mga kaso rito.

Dagdag pa nito na halatang naniwala ang mga US senador sa mga umano’y pekeng impormasyon ng mga bayarang trolls ng mga kritiko ni Pangulong Duterte na nagpapalaganap ng maling balita, maging sa mga umano’y kaso ng extra judicial killings sa bansa.# (FS)

Show Buttons
Hide Buttons