Rice tariffication Law: 400 empleyado ng NFA apektado!

Humigit kumulang 400 na empleyado ng National Food Authority  (NFA) ang maapektuhan ng pagbabagong hatid ng bagong batas ng Rice Tariffication Act.
sa kasalukuyang restructuring process ng ahensiya.
Ito ang naging pahayag ni NFA officer-in-charge administrator Tomas Escarez, 
dahil sa ilalim ng implementing rules and regulations ng Rice Tariffication Law.
Ay wala na sa kanila ang regulatory power para i-oversee at i-supervise ang domestic grain industry 
gayundin ang functions nito na may kaugnayan naman sa pag-aangkat ng bigas.

Ang tangi nalaman papel ng ahensiya ay ay tiyakin na sapat ang buffer stock ng  bigas sa bansa kaya sa mga empleyado maapektuhan ng batas na maari silang makapag-avail ng compensation package.

Sa ilalim din ng Rice Tariffication Law, tatanggalin na ang quantitative restrictions sa bigas at magpapataw na lamang ng 35-percent tariff sa mga aangkatin sa mga katabing bansa sa Southeast Asia.

Nangangahulugan lamang ito na magiging unlimited na ang importation ng bigas hanggat sa mayroong phytosanitary permit ang mga private sector trades mula sa Bureau of Plant Industry at bayaran ang 35-percent tariff sa shipments sa ibang bansa.# (FS)

Show Buttons
Hide Buttons