Disqualification case vs former Gov-ER Ejercito, inaantay pa!-COMELEC

Inaantay pa hanggang ngayon ng Commission on Elections (COMELEC) ang magiging final ruling nang  Supreme Court’s (SC) laban kay former Laguna Governor Emilio Ramon ‘ER” Ejercito  kung madidisqualify ba ito o hindi sa pagtakbo ngayon midterm election bilang muling kandidato sa pagka Gobernador.

Ayon sa COMELEC, wala pa umanong natatangap na desisyon ang komisyon matapos na hatulan ng guilty nang Sandiganbayan ang dating Gobernador at makulong mula 6 hanggang 8 taong na pagkabilanggo at perpetual disqualification para humawak sa anumang posisyon sa government positions ng anti-graft court.

Nag-ugat ang kasong kay Ejercito kaugnay sa iligal na insurance deal sa pagitan ng Pagsanjan Municipal Government at  First Rapid Ventures (FRV) noong siya ay nakaupong alkalde rito.

Show Buttons
Hide Buttons