Kandidato na nanapak, di kayang idisqualify-COMELEC

Tali ang mga kamay ng pamunuan ng Commission on Election (Comelec) para idisqualify agad sa pagtakbo si Marty Torralba na tumatakbong board member ng lalawigan ng Tarlac matapos nitong sapakin si Teddy Mariano isang Election Officer habang binabaklas ang iligal na campaign poster nito.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez,  Kailangan muna ng desisyon mula sa korte bago patawan ng disqualification ang akusadong kanidadato kaya hindi sapat na dahilan ang pananapak ni Torralba sa isang election officer para ma-disqualify ito sa pagtakbo.

Dahil dito ay patong-patong naman kaso ang posibleng kakaharapin ni Torralba na myembro ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas.

Show Buttons
Hide Buttons