Kaso ng M/V Princess of the Star tragedy binuhay ng SC!

Ipinag-utos ngayon ng Korte Suprema sa Manila City Regional Trial Court (RTC), Branch 5 na muling buhayin ang criminal case kabilang na ang kasong reckless imprudence laban sa opisyal ng Sulpicio Lines, Inc. (SLI).

Sa 20-pahinang desisyon na isinulat ni Justice Jose C. Reyes, Jr., pinagbigyan ng Supreme Court (SC) Third Division ang consolidated petitions ni Public Attorneys Office (PAO) Chief Presida Rieda-Acosta at binaliktad ang naunang dibisyon noong March 22, 2013 at ang January 8, 2014 resolution ng Court of Appeals (CA).

Na pumapabor sa respondent na si Edgar S. Go, SLI First Vice-President for Administration at team leader ng Crisis Management Committee.

Matatandang na noong 2009, pormal na kinasuhan ng Department of Justice (DoJ) panel si Go ng criminal at civil liability dahil sa kapabayaan kasama ang ilang personalidad ng reckless imprudence sa Manila RTC.

Matapos na lumabas sa imbestigasyon ng DoJ panel na kasama si Go sa paggawa ng desisyon kung papayagan bang maglayag o hindi ang kanilang barko dahil sa sama ng panahon.

“It must be emphasized that there is a separate civil action instituted against SLI based on culpa contractual incurred by it due to its failure to carry safely the passengers of Stars to their place of destination. The civil action against a shipowner for breach of contract of carriage does not preclude criminal prosecution against its employees whose negligence resulted in the death of or injuries to passengers.” nakasaad sa desisyon.

Ang M/V Princess of the Stars, passenger/cargo vessel ay pinataob ng typhoon Frank noong June 2008 sa karagatan ng Sibuyan Island sa Romblon habang patungo ito sa Cebu galing ng Manila lulang ang mahigit 800 pasahero na ikinamatay ng 227, 592 na nawawala at 32 pasahero ang natirang nakaligtas.

Dahil dito ay dina muling pwedeng magluluang ng pasahero ang 13 barko nito kundi cargo operations na lamang makaraan kanselahin ang certificate of public convenience for the transport of persons ng Maritime Industry Authority’s noong 2015.

Matatandaan na lumubog din ang lima noong 1980 to 2008: Sulpicio Container I,  Doña Paz noong 1987, Doña Marilyn noong 1988, Princess of the Orient noong 1998 at Princess of the Stars noong 2008.

Show Buttons
Hide Buttons