Kalbaryo sa Expressway aasahan ngayong Semana Santa.

Inaasahan ang matinding traffic ang mararanasan ngayon ng mga maraming motorista sa dami ng dadagsan sasakyang sa tatlong expressway sa bansa.

Ayon kay NLEX Corporation President Luigi Bautista, Tataas ng mahigit na 10 porsyento ang kanilang inaasahan dadagsan sasakyan at binabantayan ngayon.

Base sa tala,  pumalo kasi sa 330,000 na mga sasakyan kada araw ang nairehistro ng NLEX noong kasagsagan ng Holy Week nitong 2018, na mas mataas kumpara sa 250,000 na sasakyan kapag ordinaryong araw.

Habang tinatayang papalo naman sa 20 porsyento ang dagdag na dami ng mga bibiyahe sa Manila-Cavite Expressway (Cavitex) na posibleng umakyat sa 170,000 na sasakyan, maging sa South Luzon Expressway (SLEX).

Show Buttons
Hide Buttons