Angat Dam nasa kritikal level na!

Dahil umabot na sa  kritikal lebel ang Angat Dam na nasa 179.97 meters (m) above the sea ay nakatakdang magbawas ng alokasyon nang tubig sa para sa mga irigasyon simula Mayo 1.

Ayon sa National Water Resources Board (NWRB), masmababa na umano sa minimum operating level nito na 180 meters, kaya pinayuhan ang publiko na magtipid ng tubig.

Dagadag pa ng NWRB, na sa nakalipas na 50 taon dito umaasa ng tubig ang Metro Manila na pinangangasiwaan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System.

Na kung saan ay 96 percent ng tubig na ginagamit ng Metro Manila ay mula sa Angat Dam, tatlong porsiyento lamang ay nagmumula sa Laguna Lake, at tanging isang porsiyento naman sa mga deep-well.

Show Buttons
Hide Buttons