Baguio City Hall nilooban sa Flag raising

Hindi lubos na akalain ng pamahalaan local ng lungsod ng Baguio na habang nagaganap ang kanilang flag raising ceremony noong lunes  ay siya naman ang ginawang panloloob ng mga dipa nakikilalang mga kawatan. 
Ayon sa awtoridad nadiskubre nalamang ang panloloob pagakatapos ng flag raising ceremony ng silay nagsibalik sa kani-kanilang opisina matapos bumungad sa kanila ang sirang sliding door ng tanggapan.
Dito ay nadiskubre ng mga biktimang sina Ernesto Bayo Baniaga, Zenaida Nesperos Ordinario, Marso Manuel Parnacio, Bia Santiago Beho at Sabado Bagtoen Ugalde na nasa human resource office ang apat na cellphone at isang wallet na naglalaman ng identification cards.

Samantala, kasalukuyang ng iniimbistigahan ng Baguio City Police Office ang naturang kaso matapos na mapasakamay ng mga ito ang CCTV footage ng naturang opisina.Francis Soriano

Show Buttons
Hide Buttons