Online student aid target ng CHED

Dahil parami ng parami ang bilang ng mga mag-aaral na nag-a-apply para sa kanilang Student Financial Assistance Programs  (StuFAPs) kasunod ng Universal Tertiary Education Law ay 

nakatakdang magpatupad ng online system ang pamunuan ng Commission on Higher Education (CHED) sa susunod na taon.

Ito ang naging pahayag ng CHED,  para sa mga mag-aaral na nag apply ng scholarships at financial aid sa gitna ng patuloy na paglobo ng bilang ng mga aplikante gustong makakuha nito.

Bunsod sa pagdami ng bilang ng mga aplikante ay nagresulta sa paghaba naman ng pila sa CHED office sa Lunsod  Quezon.

Show Buttons
Hide Buttons