8.2-milyon na turista target ngayon 2019- DOT

Naniniwala ang Department of Tourism (DOT) na maaabot ng pamahalaan ang target nitong 8.2-milyon makapagpa-pasok na dayuhang turista para sa taong 2019 dahil sa mas mataas na porsyento ng mga dayuhang bumisita sa unang quarter ng taon kumpara noong 2018.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, pumalo ng 7.59-percent o 2.2-milyon ang bilang foreign visitors ng bansa mula Enero hanggang Marso na na ang pinaka-marami pa rin ay sa mga mga Korean nationals na sinundan ng mga Chinese, Amerikano at Hapon.

Bukod sa mga dayuhang bisita, patuloy din daw ang pagtutok ng DOT sa target nitong 89-milyong domestic tourists pagdating ng 2022.

Pero aminado si Puyat na malaki ang naging epekto ng pagsasara ng Boracay para sa rehabilitasyon noong nakaraang taon kaya ba nakabawas ng malaking porsyento ng dayuhan turista.

Lumalabas din sa datos ng Philippine Statistics Authority ((PSA), umabot ng 7.1-milyon ang bilang ng dayuhang travelers sa kabuuan ng 2018.

Show Buttons
Hide Buttons