P1.34-B gastos para sa maternity benefits sa apat na buwan-SSS

Pumalo sa tumataginting na P1.34 billion ang tinatayang gastos ng Social Security System (SSS) mula Enero hanggan Marso at lolobo umano ang kanilang gastos para sa mga benepisyaryo kasunod ng pagkakapasa ng panuntunan sa implementasyon ng Expanded Maternity Leave Act.
 
Ayon kay SSS Pres. Aurora Ignacio, na lalo pa itong lolobo sa pagpapatupad ng implementation ng 105-day Expanded Maternity Leave Law (EMLL) sa bago nitong  implementing rules and regulations na pirmado na umano noong nakaraan  Labor Day.
 
“We are glad that we are able to assist more of our female members financially during their pregnancy in 2018. We have recorded an increase of 12.6 percent or 36,550 female members more who availed themselves of the benefit in 2018 compared to that of the previous year,” ani Ignacio.
 

Dagdag nito na umabot sa P7.7-bilyon ang disbursement ng tanggapan noong 2018 para sa maternity benefits o katumbas ng 326,000 female members na kanilang na-serbisyuhan.

Sa ilalim nito, 68.2-percent o higit 200,000 na babaeng employee-members ang natulungan sa pamamagitan ng P5.98-bilyon na disbursement.

Nasa higit 80,000 naman ang voluntary members; halos 15,000 na self-employed workers, at higit 7,000 overseas Filipino workers.

Show Buttons
Hide Buttons