BOC District Collector nakasuot ng relo na P1.5 milyon…

Sino itong District Collector ng Bureau Of Custom ang isinusuka ng mga Empleyado dahil sa masama nitong ugali,mayabang at masyadaong mapagmataas sa kanyang nasasakupan. Lagi nitong ipinagmamalaki sa lahat ng kanyang nakaka-usap na malakas at hindi siya matitinag sa kanyang puwesto dahil sa mga “BACKER” na Senador,Congressman,Kalihim ng ilang Kagawaran na nasa kasalukuyang  Gobyerno.

Palagian din nitong sinasambit sa mga kausap nito sa mga ilang Opisyal ng Bureau Of Custom na kailanman ay hindi siya maalis sa kanyang puwesto hanggat ang Pangulo ay si Pangulong Duterte na siya umano na naglagay sa kanyang puwesto.

Ugali rin nitong BOC District Collector na magtalaga ng kanyang mga kaalyado sa mga sensitibo posisyon kahit ang mga ito ay hindi kuwalipikado sa posisyon.

Buong pagmamayabang ng Opisyal na ito ang pagsususot ng mga ultra luxury na relo at iba pang kanyang gamit sa katawan.

Madalas din itong mag-utos at magyabang sa mga kasamahan habang umiinom sa mga class na Bar na i speakerphone para lamang umorder ng mamahaling relo sa iabng bansa.

Pagmamalaki pa niya sa kanyang mga kasamhan na may higit isang dosena na siyang relo na ROLEX at AUDEMARS Piguet mula ng siya ay maging District Collector ng Bureau Of Custom.

Hiling ng mga Empleyado at mga Opisyal ng Bureau Of Custom na maimbestigahan at maLIFE STYLE check itong si District Director kung paano ito namumuhay ng marangya na tulad ng isang hindi ordinaryong empleyado gayung hindi naman ito nanggaling sa marangya buhay.

Show Buttons
Hide Buttons