Task Force Vote Buying nakamasid sa 2019 Midterm Election

Tatlong araw bago ang nakatakdang halalan sa lunes ay siniguro ng Philippine National Police (PNP) na mahigpit nilang binabantayan ang mga magtatangkang mamimili ng mga boto na sa kulungan ang bagsak ng mga ito sa sandaling sila ay mahuhuli.
 
Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Bernard Banac,  umarangkada na ang Task Force Vote Buying na pinangungunahan ng Comelec na pinakalat na sa iba’t-ibang panig ng bansa. 
 
Dagdag pa nito na wagnang tankahin pa ang pamimili ng boto dahil hindi nagbibiro ang batas para sa sinumang lalabag sa Omnibus Election Code.
Samantala,  matatandaan na inaresto at kinasuha na 10 katao sa lalawigan Cavite at 2 naman lungsod Quezon dahil sa pamimili ng boto.
Show Buttons
Hide Buttons