Biyuda na dumayo: dakma sa “SHABU”

Kalaboso ang isang Ginang at isa pa nitong kasama matapos na dumayo at maibentahan nito ang mga myembro ng San Fernando City Police Station (SFCPS) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1.

Kinilala ng SFCPS at PDEA ang suspek na sina Micaela Paloma, 49, biyuda, residente ng Montera Homes, Bucabdala, Imus, Cavite; at Frederick Filomeno, 44-anyos, binata, residente ng Barangay Ilocanos Sur, San Fernando City.

Ayon sa awtoridad, naaresto ang mga suspek matapos magkaroon ng buy bust operation na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Narekober din sa mga suspek ang 10 transparent heat sealed plastic sachet na hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit na P200,000, dalawang piraso ng P1,000 bilang marked money at 23 piraso ng boodle money; at iba pang drug paraphernalia.Francis Soriano

Show Buttons
Hide Buttons