No SOCE, No assumption of office-DILG

Nagbabala ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga nanalong kandidato sa  Kakatapos na 2019 midterm election sa iba’t-ibang posisyon na kanilang haharangin at di makakaupo ang mga ito kapag hindi sila nagsumite ng Statement of Contributions and Expenses (SOCE) sa Commission on Elections kung saan ang deadline ay sa Hunyo 13.

Ayon kay DILG spokesperson Usec. Jonathan Malaya,  obligasyon ng mga kandidato na magsumite ng kanlang ginastos na siyang kauna-unahang obligasyon ng mga ito na dapat tuparin ng mga kandidato.

Dagdag pa nito, nakasaad din sa SOCE ang kabuuang ginastos ng mga kandidato sa mga cash donations kabilang na ang mga nagastos mula kontribusyon ng buong ginastos sa kampanya. Panalo man ito o hindi.

Show Buttons
Hide Buttons