Philippine National Police Academy: Pamumunuan na ng PNP

Matapos ang ilang dekada na pamamahala ng Philippine Public Safety College (PPSC) sa Philippine National Police Academy (PNPA) ay tuluyan nang mapapasailalim sa pamumuno ng Philippine National Police (PNP), makaraan lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11279.

Ayon kay PNP Chief PGen. Oscar Albayalde, isang welcome development ito sa panig ng PNP, bilang ganap ng batas ang Republic Act No. 11279 at  pormal ng isasailalim ito sa pamumuno ng PNP.

Dahil dito ay nais nilang maiba ang training ng mga kadete na mas makakatulong sa umano sa kanilang personality development bilang mga susunod na opisyales ng pambansang pulisya, Bureau of Fire Protection at Bureau of Jail Management and Penology o BJMP.

Dagdag pa nito na wala na silang umanong magiging dahilan kapag may nangyari pang pang-aabuso sa loob ng akademya at kung magkakaroon man aniya ng mga pasaway na PNPA graduate sa mga susunod na panahon, PNP na ang dapat sisihin dito.

Show Buttons
Hide Buttons