Player ng piso net: hinulugang ng tingga sa ulo

Agad binawian ng buhay ang isang 22-anyos na factory worker, sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo habang abala sa paglalaro sa peso net sa Malabon City,  ng madaling araw.
 
Kinilala P/Col. Jessie Tamayao, Chief of Police ng Malabon City Police Station, ang biktima na si Jeremi Cablaida, residente ng Adante St. Brgy. Tañong, habang pinaghahanap pa ang suspek na nakilala lamang sa alyas “Bornok”.
 
Ayon kay Tamayao, naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling araw habang abala ang biktima sa paglalaro sa peso net sa kahabaan ng Estrella St. Brgy. Tañong nang biglang sumulpot ang suspek na armado ng baril mula sa kanyang likuran at walang sabi-sabing pinutukan ito sa ulo na agad nitong ikinasawi.
Dagdag pa nito, na bago ang insidente, nakatanggap ito ng death threat mula kay alias “Bornok”.
Habang sinusulat ang balitang ito ay patuloy parin ang ginagawang follow up operation ng mga awtoridad.

 

Show Buttons
Hide Buttons