BoC X-ray Division walang tinag!

Narinig nating lahat o nabalitaan ang pasaring ni Senator Panfilo “Ping” Lacson sa Bureau of Customs (BoC) nang siya ay magdeliver ng kanyang privilege speech ng nakaraang linggo, kung saan nilaIt-lait niya ang mga kawani at opisyal ng ahensiya.
Binunyag niya ang “tara” o lagay sa bawat section o division ng BoC na sinusuka o pinapakawalang pera ng mga importers at broker sa mga tiwaling kawani at korap na opisyal ng ahensiya para lamang makalabas ng bakuran ng BoC ang kanilang mga containers o “lata.”
Ang hindi alam ni Senador Lacson, bago pa lamang niya pinakawalan ang kanyang nalalamang mga “magic” na ginagawa ng mga empleyado  at opisyal ng  BoC, may nakalusot na pinagbabawal na kargamento sa mga matang ipinikit ng X-ray Division na pinalagpas ng grupo ni kosang  Ares.
Hindi man Ito droga na isiniwalat ni senator Lacson, tiba-tiba naman ang grupo ni Ares sa kargamentong nabanggit natin. Dahil ang laman ng container o lata na pinalusot at pinikitan ng mga mata nila Ares at ng kanyang mga “tagamatsunurin” na mga tauhan ay “tabako”.
Yes mga katoto “tobacco” as in “tabako” sa wikang Pilipino, pangunahing sangkap sa paggawa ng ‘yosi’ o sigarilyo. Dalawang manok (P2 milyon) ang balita kong pinagtatalunan hanggang sa ngayon ng mga tauhan ng X-ray Division kung  kani-kanino napunta ang tinara ng nagparating na importer, dahil ang iba sa kanila ay hindi nakabilang sa pinaka-pinaniniwalaang motto sa BoC, ang “everybody happy”.
Ang kargamento na balita ko ay dalawang container, ay nilalaan ng mga lokong smuggler para sa panibagong buhos ng sin tax na ipapataw sa sigarilyo. Siyempre kung mahal ang yosi, bibili at maghahanap ng murang sigarilyo ang may bisyo nito.
Pero lubayan na muna natin ang rason ng nagsmuggle nito, focus tayo sa bisyo nitong sila Ares na pinikitan ang pag pasok ng latang puno ng tabako kapalit ang dalawang manok (P2 milyon) at pinikitan pa ang iba nilang kasama kabilang na ang opisyal ng ibang division na partehan ng Tara. Hindi lang pala sa pikitan magagaling itong grupo ni Ares kundi pati sa bukulan pa, yan ang sabi sa akin ng isang mataas na opisyal sa BoC na kasama sa nabukulan.  Hahaha, senador Lacson, wala ka pang ganyang info na nasagap ano po.
Sisingaw ang baho na yan, Mr. Lacson, sa simulang balasahin ni Commissioner Jagger Guerrero ang buong BoC matapos lamang ang election ban.
Show Buttons
Hide Buttons