Kaligtasan at Kalikasan, nilunsad sa Bulacan

Camp Gen Alejo S Santos,  Malolos, Bulacan —Naging matagumpay ang ginawang mass oath-takin ng libu-libong myembro ng “Kaligkasan” (Kaligtasan at Kalikasan) na pinangunahan ng Philipine National Police (PNP), Department of Environmental and Natural Resources (DENR)  at mga local volunteers sa iba’t-ibang sangay ng Non Governmental Organization (NGO) sa Hiyas ng Bulacan Convention Center, Malolos Bulacan Kahapon ng umaga.

Ayon kay P/COL Chito Bersaluna, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office,  ang “Kaligkasan” program ay proyekto ng PNP, katuwang ang DENR at local volunteers para sa security and environmental protection sa tourist destinations sa lalawigan. 

Magiging Force multipliers narin ito ng mga iba’t ibang  Municipalities at lungsod ng Bulacan sa pangakong mangalaga sa kaligtasan at kalinisan ng mga turistang darating sa kanilang lugar.

Kasama din sa dumalo sa naturang aktibidad ay sinabi P/COL Rhoderick Armamento, DRDO, ng PRO 3 at Dir. Arthur C Salazar, CESO IV ARD, for Technical Services ng DENR Regional office O3 bilang guest of honor and speaker.

Show Buttons
Hide Buttons