Lady COP, bagong PCSO General manager

Pormal ng ipinakilala sa publiko nang pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang bago nilang General Manager (GM)  matapos itong italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte.
 
Ayon sa PCSO, inilagay bilang bagong GM ng PCSO si dating Cebu City police chief P/COL Royina Garma bilang kapalit ni Marine Gen. Alexander Balutan, matapos itong sibakin sa pwesto ni Pangulong Duterte dahil umano sa seryusong allegasyon sa kuparsyon. 
 
Si Garma ay nagtapos sa Philippine National Police Academy ng Bachelor of Science in Public Safety, siya ring ay Master in Education Management at Executive Doctor in Leadership sa Rizal Momorial College.
 
San loob 24 years sa Philippines National Police (PNP) ay naging hepe ito ng Women’s and Childrens Protection Desk sa Davao City at naging Acting Regional Chief ng Regional Criminal Investigation and Group (CIDG) sa region 7 at may natitira pang sampung taong sa servisyo para sa mandatory retirement.
 
Ngunit ng siya ay itinalaga ni Pangulong Duterte bilang bagong General Manager ng PCSO, ilang linggo na ang nakakalipas ay nag early retirement na ito para tangapin ang bagong hamon sa tungkulin.

“I have done my research. I know what are the pressing issues at PCSO and I already have plans but it is still premature to divulge these,” pahayag ni Garma.

 

Show Buttons
Hide Buttons