P2.5M “SHABU” nasamsam, Bebot arestado

Umabot sa P 2,597,600.00 hinihinalang shabu ang nakumpiska habang arestado naman ang isang 44-anyos na Ginang sa isang buy bust operation ng District Drug Enforcement Unit, NPD, Navotas Police at Philippine  Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Camation Street, Barangay NBBS Proper, Navotas City.
 
Kinilala ng awtoridad ang suspek na si Monalisa Doria y Odaime alias Odaiame, residente sa Block 38, Lot 1, Camation Street, Barangay NBBS Proper, Navotas City.
 
Ayon kay PMAJ Antonio D Naag nang District Drug Enforcement Unit ng Norther Police District, naganap ang anti-illegal drug buy-bust operation dakong 12:00 ng tangahali  noong lunes sa bahay ng suspek na nagresulta sa pagkakaaresto nito.
Narekober sa suspek ang dalawang small heat sealed transparent plastic sachet na hinihinalang shabu na may timbang na 0.29 grams bawat isa,  limang  piraso ng medium plastic sachet (knot tie)  na may timbang na 382 grams  na may street value na P2,597,600.00.
Bunsod nito,  nahaharap ngayon ang Ginang sa paglabag sa Republic Act 9165 at kasalukuyang nakaditine sa himpilan ng pulisya.
Lumabas din sa imbestigasyon na una ng naaresto ang live-in-partner nitong si Michael na nakakulong at nahaharap din sa drug case.
Show Buttons
Hide Buttons