PACQUIAO PANALO KAY THURMAN!

Nanaig ang lakas at experience ni 8-division champion Manny ‘Pacman’ Pacquiao kontra Keith Thurman sa 12-round  World Boxing Association welterweight championship na ginanap sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada sa sagupaan noong Sabado, Hulyo 20, (Linggo ng umaga sa Pilipinas, Hulyo 21).

Pumabor kay Pacquiao ang split decision ng dalawang hurado sa score na 115-112 samantalang pabor kay Thurman ang score na 114-113 .

Sa kasalukuyan, hawak ni Pacquiao ang rekord na 62-7-2, 39 KOs.

Samantala, si Thurman na lumasap ng kanyang unang talo kontra kay Pacquaio ay may rekord ngayon na 29-1, 22KOs.

Ayon sa mga boxing expert, malaking bagay ang pagpapabagsak ni Pacquiao kay Thurman at pagdomina nito sa unang mga round ng laban.

Show Buttons
Hide Buttons